Saturday, September 8, 2012

Isang Daang Dahilan Kung Bakit Mahal Kitang Kamote Ka!

Sabi nila ang totoong pagmamahal daw ay walang dahilan...yung hindi mo alam kung anong sasabihin mo kapag tinanong ka kung bakit mo sya mahal.... siguro nga! Pero para sakin kaya mo lang hindi masabi o hindi matumbok ang dahilan ay dahil sa sobrang daming dahilan kung bakit mo sya mahal! Dahil mahal mo siya ng buong-buo...yung mahal mo siya di lang sa magaganda nyang katangian kung hindi pati sa mga hindi mo masyadong gustong ugali nya... yun ang pagmamahal. Mahal mo ng buo at mahal mo ng totoo!

Nung una ako tinanong ng bestfriend ko kung bakit mahal ko si Mote ko...hindi ako makasagot.  Ang hirap mag-isip...hindi dahil wala kang maisip kung di dahil sa sobrang daming dahilan kung bakit ko sya mahal, hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

Dahil dyan...nag-ubos talaga ko ng oras isipin ang isaang daang dahilan kung bakit mahal na mahal ko ang Mote ko..
  MAHAL KO SI MOTE KO KASI....

1. super lambing nya
2. makulit sya...sobra
3. maarte sya...mas maarte pa sakin!
4. ayaw nya magpakiss pag mabaho sya
5. manginginom sya...pag nayaya lang naman
6. sobrang bait
7. hindi marunong tumanggi
8. sobrang mapagmahal sa magulang
9. sobrang mapagmahal sa mga kapatid 
10. sobrang mapagmahal sa pamangkin
11. mabuting kaibigan 
12. tagal maka get-over
13. sobrang appreciative sa lahat ng bagay
14. numero unong bolero
15. madalas mayabang sya
16. feeling gwapo
17. feeling macho
18. feeling habulin ng chicks
19. habulin naman sya e... ng bading nga lang
20. mahilig sya umutot
21. super cute nya sa umaga kasi wala na syang mata 
22. ang higpit nya yumakap
23. lagi nya ko kinikiss
24. nirerape nya lagi yung face ko sa unan
25. ang lakas nya kumain 
26.  gusto nya lagi ka malapit lang sa kanya
27. proud sya sakin 
28. lagi nya ipapalala sayo kung gano ka nya kamahal
29. nakakatakot sya pag lasing 
30. nawawala lagi sa sarili pag masaya sya.... pag masaya nga lang ba? hehehe
31. he calls me mote
32. he calls me wifey
33. he calls me angel kahit mali-mali ang text.... 
34. laging wrong send...lalo na kay tita
35. isa syang taong punong puno ng respeto
36. marunong syang magtiwala
37. mahal na mahal nya ko! tama ba?
38. ang tagal nya maligo sobra!
39. kinakantahan nya ko 
40. binabantayan nya ko matulog at hinihintay nya ko maghilik! hahahha!
41. puro white ang brief nya at isa lang ang tatak
41. feeling nya virgin pa sya! hahahah!
42. gentleman sya
43. tumitingin sya sa iba...sa iabang lalaki! heheheh
44. ako lang ang tinititigan nya
45. ako lang ang pantasya nya...sabi nya yun!
46. mabagal sya kumain
47. ang likot nya sa remote
48. lumusong sya sa baha para sa POEA and on the side para sakin 
49. nakatalukbong sya matulog
50. tinulugan nya ko habang nanonood ako ng letters to juliet
51. ang tagal nya ko pinaghintay sa SM
52. inintay nya ko sa alabang nung sya naman ang nauna sakin 
53. lagi nya ko inaakbayan
54. ayaw nya i let go ang kamay ko pag kasama nya ko
55. pinanggigigilan nya ko lagi
56. inaaway nya ko minsan 
57. dati 99% lang nya ko love
58. ngayon 100% na daw nya ko love
59. napaka galang tao
60. kuntento na sya sakin 
61. he wants to grow old with me 
62. kasama ko sa mga pangarap nya
63. lagi syang may oras para sakin at sa eat bulaga
64. mahilig sya manood ng movie
65. pareho kame ng gustong show sa tv
66. pareho kame mahilig sa music
67. marami kameng pagkakatulad
68. marami din kame pagkakaiba
69. simple lang syang tao
70. hindi sya masyado marunong magluto
71. lagi sya humaharap sa salamin para iconvince ang sarili nyang gwapo sya
72. hindi sya nagsusuklay pagkagising nya
73. kinikiss nya ko kahit may panis na laway pa sya
74. niyayakap nya ko kahit may muta pa sya....heheheh
75. gusto nya ko isama sa knila
76. inilalapit nya ko sa pamilya nya
77. handa sya sumugal para sakin 
78. nakita ko sya kung pano sya kinabahan nung una nya ko makita
79. lagi nya ko tinititigan
80. alam kong gustong gusto nya ko
81. gusto nya na inaasikaso ko sya
82. tinatawagan nya ko lagi
83. gumigising sya pag tinatawagan ko sya
84. hindi sya nagpapatalo
85. smart sya
86. very sensible
87. walang boring moment kapag sya ang kasama mo
88. hanep pumick up line
89. very supportive
90. seloso pero ayaw pahalata
91. tinataboy ako noon pero ayaw ko :(
92. forgiving na tao
93. may takot sa Dyos
94. mapagbigay 
95. marunong makuntento sa kung anong meron sya
96. matyaga sa buhay
97. marunong umintindi 
98. matiisin sa lahat ng bagay
99.  marunong bumangon kapag nadapa at di nawawalan ng pag-asa
100. higit sa lahat sya ay isang DAKILANG ADIK!

Sobrang madami pang dahilan kapag inisa-isa ko pa..kulang pa ang magsama kame habnag buhay! alam kong sa pagdaan ng panahon...mas marami pa ko malalaman tungkol sa kanya at mas mamahalin ko pa sya ng higit pa dahil sa mga bagay na yun..

dahil dalwang buwan na tayong nagtitiis sa isat-isa...dalawang beses lang din kita gusto mahalin... NGAYON AT KAILANMAN!