Saturday, August 11, 2012

HANDA KA NA BANG SUMUGAL?

HANDA KA NA BANG SUMUGAL?


Lahat ng tao sa mundo ay naghahanap ng pagkakataong makahanap ng mamahalin at ng taong magmamahal sa kanila ng lubos at buong-buo.  Sabi nila, ang buhay ay parang isang malaking Quiapo... maraming magnanakaw at snatchers...kailngan ay matuto kang makipagagawan at makipaglaban.  Kailngang marunong kang maghanap ng taong pagkakatiwalaan at handa kang sumugal ng buhay sa buhay.  

Noon pa man ay matibay na ang aking paniniwala na wala ng lalaki sa mundo na handang sumugal at magpatalo sa ngalan ng pag-ibig.  Yung tipong handang isuko ang lahat para sa taong minamahal, yung handang tanggapin ang lahat ng sasabhin ng iba...mapatunayan lang na mahal ka nya, yung tipong di iindahin na matawag syang tanga basta alam nyang nagmamahal sya.  

Ang alam ko lang wala ng lalaki sa kasalukuyang panahon ang gustong sumunod sa yapak ni Rizal, na handang magpaka martyr at magpabaril sa Bagongbayan.  Ang alam ko lang, wala ng lalaking handang sumugal para lang sa pagmamahal.  

NAGKAMALI AKO... kinailangan ko makilala ang isang taong nagpabago ng aking paniniwala upang mapatunayan na may mga makabagong Rizal na hanggang ngayn ay nanatili pa.  Isang taong tuluyang nag bago ng aking buhay, paniniwala at kapalaran. 

Sa pagkakataong ito... ako na ang nagtanong sa aking sarili... 
HANDA NA BA AKONG SUMUGAL?
KELAN NGA BA KAILANGAN SUMUGAL?

Ang sagot.... walang tamang panahon at pagkakataon.  Ang pagsugal ay walang pinipili at walang pinapanigan.  Ang pagsugal ay nagsisismula sa pagkakataon na ang isang tao ay nagdesisyong magmahal.  Wala naman kasing sigurado pag nagmahal ka.... hindi mo sigurado kung ,mananalo ka o matatalo.  Ang alam ko lang, ang importante sa pagmamahal ay ibinigay mo lahat... lahat lahat na parang wala ng bukas! Magmahal ng todo-todo na parang walang preno.  Ung tipong kahit mabigo ka, walang halong pagsisisi dahil hindi ka sumugal.  Alam mo na sa huli nagmahal ka lang at ano man ang iyong pinatalo sa sugal na pinasok mo ay maipagmamalaki mo pa ding hindi ka nagkulang at ginawa mo ang lahat.  

Dahil diyan buong tapang kong sasabihin na kaya kong sumugal... tumaya at magpatalo kung kailngan para minsan man lang sa panahong iniliaan ko para sa iba ay naging masaya ko at nagkaroon ako ng pagkakataong magmahal.  Isang pagsugal na handa akong makipag- laban at makipag-agawan  hanggang sa huli, at sisiguruhin kong ipapanalo ko ito ano't ano man ang mangyari.

 


No comments:

Post a Comment